Sabado, Nobyembre 26, 2011

Napansin ko lang ho naman!

 


Sa Cavite State University ay hindi mawawala ang sandamakmak na guwardiya na may sinusunod na panuntunan at gampanin na hindi ko mawari kung maski sila nga ba ay sumusunod dito. Sa aking ikatlong taong pamamalagi at mga karanasan sa Cavite State University, may mga ilang bagay lamang na napuna ang aking mapanuring mga mata.

Simulan natin ang diskusyon dito: 

ESCAPING TACTICS 

Kapag mahaba ang iyong buhok , maari kang sumakay ng tricycle papasok sa Gate 1 para makatakas sa mga guwardyang pupuna sa iyong buhok.

Kapag naiwan o nawala mo ang iyong identification card o ang napakabanal na ID , dumaan ka sa kahit na anong GATE at sabihing "Sir, kukuha na lang po ako ng affidavit of loss" with emotions and dapat medyo mukhang nagmamadali para hindi ka na nila uusisain.
   
Kapag may nakita kang guwardiya sa may batibot na nag - aabang ng matitiketan sa mga walang ID at hindi sumusunod sa tama na buhok at pananamit, simple lang ang paraan, dumaan sa kanyang likuran o sa lugar na hindi ka niya mapapansin.

Kung tila nahirapan gawin ang ilan sa pinakapalasak na gawain ng mga pangkaraniwang estudyante May isa pang taktika para makapasok kahit walang ID.
  1. Kailangan mo ng isang kaklase na may ID. Dapat ay yung kaibigan, katropa, kasintahan o ang pinakamabait mong classmate dahil kung kaaway mo ang matityempuhan, Oh Diyos ko wala kang mapapala. Hindi ka na makakapasok, nagantihan ka pa niya.
  2. Papasukin siya. 
  3. Papuwestihin sa may blindspot ng High School sa CAVSU
  4. Hola! Maari ka nang makapasok ng walang alinlangan.
______________________________________

 NAPANSIN KO LANG HO NAMAN!

Sabi nga nila, walang taong perpekto. Kaya pagpasenyhan na natin ang mga kamalian ang mga hindi pantay na pagsunod sa alituntunin ng mga guwardiya ng CVSU. Pero diba wala namang masama sa paglalahad ng iyong mga karanasan?

Naranasan mo na bang makuhanan ng ID dahil sa mahabang buhok sabay may dumaan na PRIME MOVER na pagkahaba haba ng buhok pero dedma sa guard? Naranasan mo na bang first time na masita sa suot mong sapatos after 3 years na paggamit dito? Naranasan mo na bang masita ng guwardiya dahil sa kulay ng iyong buhok? Kahit na ang mga babae ay hindi nasisita? Nakalagay sa Gate 1 na bawal ang naka shorts pero may nakakapasok pa rin. Nakalagay sa handbook na bawal ang buhok "bieber" pero meron pa rin. May mga guwardya na pinapapasok ang mga babaeng naka skirt pero bawal ang maikling kasuotan. May mga panahong masipag , may mga panahong hindi. Kapag umuulan, magtricycle at asahan mong walang guwardiya na magchcheck sa ID,buhok at kasuotan mo Kapag mainit, tiyempuhang tirik ang araw at magtricycle. Ganun din ang mangyayari tulad sa scenariong umuulan. May mga panahon kapag mahaba ang buhok kinukuha ang ID, may mga panahon namang pag mahaba ang buhok sasabihan ka lang "Totoy, magpagupit ka na ha? Dapat sa susunod na kita ko diyan maikli na yan. "Anu ba talaga?" Kapag umuulan puwede na ang nakatsinelas pero payo ibaon na lang para dun sa mga malalayo, wag magrisk ng pagtitsinelas kagad at baka hindi makapasok (Arvilyn's CASE) :)

Wala talagang perpektong tao, hindi natin sila masisisi kung bakit ganun nalang ang kanilang serbisyo,Ginagawa naman nila ang lahat pero nahalata ko, SEASONAL lang  Kasi naman first week of class - Wala pang sitahan, pag mga bandang may mga bisita or event mahigpit na yan. Aba ichcheck kasi ng boss namen yan.

Nahalata ko lang ha, Kapag Babae madali kayong napapakiusapan.
Kapag lalaki napakahirap at napakahabang explanasyon bago niyo pahintulutan.

Sa tingin ko mas magiging maayos at masusunod ng wasto ang patakaran kung hindi lang Estudyante ang sumusunod sa mga nakasulat sa pagkahaba habang handbook, at kundi ang mga guwardiya na siyang nagpapanatili ng kaayusan at kawastuan ng isang komunidad.

ESOLIS
200910690








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento