Ito na ang pinakahuling topic para sa linggo linggong pinaghihirapan ng bawat estudyante ng CS3-1.
Bilang isang requirement na naging kinalilibangan at kinagawian na namen.
Masaya kasi sobrang dame mo palang matututunan, sa pagsulat ng mga personal exp mo, sa mga natutunan mo, sa mga itinuro sayo, sa mga gusto mong makita,sa gusto mong malaman, sa gusto mong iparating, sa gusto mong madinig.
Malungkot, kasi magtatapos na naman ang academic year na ito at masaya kasi maaalala mo lahat ng ginawa mo sa bawat pagbisita mo sa blog na ito.
Maalala mo, ay shit. ito yung hindi ko nasagutan sa essay na midterm ni Sir.
ito yung topic na nalate ako magpasa.
ito yung first topic sabay late tapos susunugin na dapat ni Sir.
Sa totoo lang, nung hindi ko pa nagiging prof si Sir Ferrer, parang sabi ko mahirap pakisamahan. Ang sungit kasi ng itsura.
Pero isa lang masasabi ko, once na maging prof mo siya.
Mararanasan mo lahat ng paghihirap, pero never mong maiisip na sisihin siya.
Kasi worth it kapag nagawa mo yun.
Parang nag set ka ng DIFFICULTY na : INSANE sabay natapos mo.
Pero once na mag fail ka, marami kang matutunang lesson.
Share ko lang ung prefinal ko rin kay Sir sa MIS.
after 2 hours ng pageexam ko,
nag submit ako pero bad thing ay nagreload ung page kaya nablanko lahat.
Within 8 minutes nasagutan ko pa naman ung mga identification kaya naka 21.
At that time, umalis ako ng shop sabi ko Poy, tapos na exam ko sabay alis.
Habang naglalakad ako, gusto kong sisihin si Sir.
Gusto kong sabihing bat kailangan ganun yung exam, bakit ganun yung pagkakagawa walang auto-save.
Pag-uwi ko sa bahay, tinanong ako ng parents ko kamusta online exam.
Umiyak ako, tumabi ako sa sulok.
tapos na realize ko,
It's my fault.
COMSCI student ako at prof ko si Sir.
Ndi naman magkakaroon ng save button kung walang function yun.
Ndi naman siya nagkulang sa reminder.
Nakalagay naman lahat, ayaw lang pansinin.
Nag exam ulit ako and thank GOD naka 190
pero siyempre 105.5 lang average.
Lesson from Sir?
Behind those difficult projects,assignments,documents,lessons,exams,quizzes and discussion is a thought.
Na sa reality, sa field ng COMSCI, it's only YOU walang THEM.
ikaw lang walang sila.
dahil sa kung nasana'y kang umaasa sa kung sinu mang kakilala mo para mapadali ang gagawin mo,
dahil sa kung nasana'y kang ndi na pinagaaralan bawat sasabihin niya kasi alam mong andian naman sila.
paano pag grumaduate ka na? kasama mo pa ba sila?
Almost sa lahat ng topics saken lahat napupunta yung personal experience,
i really want to share a lot.
Madaming pumapasok sa isipan ko na dito lang sa blog ko na ito nailalagay.
Dito lang ako madalas magshare.
Sabi nga dito mahahasa yung pagsusulat mo dre,
kahit na sa una, naisip kong burden ito at dagdag pasakit.
sa pangalawa naman ay nakagiliwan na.
Ang sarap ng feeling habang nagtatype sa pinakahuling blog sa MIS.
and among the intructors sa DIT,
asteeg kasi naging Instructor namen si Sir Ferrer.
Si Sir Steve na lang kulang.
EDILBERTO OCTA SOLIS JUNIOR
200910690