Si Emilio Aguinaldo ay kilala rin sa palayaw na
Heneral Miong
EA
El PresidenteFather of Philippine Independence
Ngunit siya rin ay itinuturing na "mastermind of the death of our heroes"
Siya ay isang heneral ng rebolusyon at isang pulitiko, ngunit may mga isyu sa kabila nito
Atin munang kilalanin si Emilio Aguinaldo
Siya ay ipinanganak noong ika-22 ng Marso,1869 pang pito sa 8 na magkakapatid
Siya rin ang kauna - unahan at pinakabatang naging presidente ng Pilipinas sa edad na 29
Siya ay dalawang beses nagpakasal una ay kay Hilaria del Rosario at nagbunga ito ng 5 anak at sumunod ay kay Maria Agoncillo
Kasalan nina Emilio Aguinaldo at Maria Agoncillo na naganap noong ika-14 ng Hulyo,1930 |
Naging cabeza de barangay sa edad na 17
Sa edad na 25 noong 1894, sumali siya sa sikretong samahan ng KKK
at nang siya ay 29 - anyos, siya ay nahalal na president ng Unang Republika ng Pilipinas
Siya ay namatay sa edad na 95 - anyos dahil sa sakit na coronary thrombosis noong Ika-6 ng Pebrero,1964
Si Emilio Aguinaldo sa edad na 94 Life Magazine Issue (Enero 10,1964) |
Anu - ano ang mga isyung kinasangkutan ni Emilio Aguinaldo?
Pinakasikat ay ang utos niya na pagpatay kay Andres Bonifacio at ang isa pa ay ang kay Antonio Luna
Ang Kamatayan ni Andres Bonifacio
Si Bonifacio ay isa sa nagpasimula ng Katipunan at siya ring naging Supremo hanggang sa rebolusyon at si Emilio Aguinaldo naman ay isang nakalap na sundalo at naglingkod bilang tenyente ni Heneral Baldomero Aguinaldo at naglaon ay naging heneral din.
Nang nagkaroon ng problema ang Magdiwang na noo'y hawak ni Hen.Mariano Alvarez at Magdalo na hawak naman ni Hen.Baldomero Aguinaldo, si Andres Bonifacio na siyang Supremo ng Katipunan ay pumunta sa Cavite upang ayusin
When the Katipunan experienced problem with the Magdiwang (Gen. Mariano Alvarez) and Magdalo (Gen. Baldomero Aguinaldo) groups (both in Cavite), the Supremo of the Katipunan went to Cavite sa Imus Assembly para ayusin ang hindi mapapakinabangang pagtatalo ng dalawang partido.Si Aguinaldo na siyang may karanasan sa paghawak ng mga bagay pulitika dahil sa karanasan niya sa gobyerno ng kolonyang Espanyol, naisip na isang pamahalaan ang dapat na maitatag para sa katipunan, si Bonifacio bagama't labag sa naisip ni Aguinaldo ay walang ibang pagpipiliin dahil ito ay para sa ikabubuti na rin ng Katipunan ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay sang paraan lamang upang mapatalsik siya sa puwesto bilang Supremo.Hindi niya kinilala ang bagong pamahalaan ng katipunan at siya ay naakusahan ng pagtataksil, sinubukan at napatunayang nagkasala ng Military Court na pinamumunuan ni Heneral Mariano Noriel at si Bonifacio ay nahatulan ng kamatayan. Ang hatol ay inaprubahan ni Emilio Aguinaldo at isinagawa ni Major Lazaro Macapagal noong Ika-10 ng Mayo,1897.
Ang Kamatayan ni Antonio Luna
Katulad ni Heneral Emilio Aguinaldo, si Antonio Luna ay isa ring pili na Pilipino, sumali siya sa mga puwersang rebolusyonaryo sa panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano
Siya ay isang edukado tulad ni Rizal at isang magaling na taktiko sa digmaan.
Noong Hunyo 5,1899, sa pagkakautos ni Heneral Emilio Aguinaldo, si Heneral Antonio Luna ay pinagbabaril at sinaksak sa pamamagitan ng mga tao ni Heneral Emilio Aguinaldo at lahat ng opisyal ni Antonio Luna ay pinalitan ni Heneral Emilio Aguinaldo.
Masasabing hindi nga pinatay ni Heneral Emilio Aguinaldo sina Andres Bonifacio at Antonio Luna gamit ang kanyang sariling mga kamay ngunit siya naman ang nag - utos ng pagpatay sa dalawa, siya ang utak sa pagpatay sa dalawa at hindi ang mga mananakop ang dahilan ng kamatayan nila kundi dahil sa ating sariling kababayan.
Iba pang isyu na kinasangkutan ni Emilio Aguinaldo:
The Los Angeles Times, issue of Feb. 7, 1942, reports on Aguinaldo's alleged collaboration with the Japanese
Noong panahon ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas noong World War II (1942-1945). Si Aguinaldo ay ginamit bilang isang Kontra Amerikanong kasangkapan, pinilit siyang pumirma ng mga artikulo, gumawa ng mga kasumpa - sumpang anunsiyo sa radyo na sumusuporta sa mga Hapones, kasama na ang isang apila ng pagsuko ni Heneral Douglas MacArthur.
The Japanese-controlled The Tribune, issue of June 29, 1944, announces the appointment of 75-year-old Emilio Aguinaldo as Manager of the National Distribution Corporation (NADISCO). He was tasked with rationing prime commodities.
Ng mabawi ng mga Amerikano ang Pilipinos noong 1945, Si Aguinaldo ay dinakip at inakusahan ng pakikipagtulungan sa mga Hapones. Siya ay kinulong sa Bilibid ng ilang buwan at nakalabas sa pamamagitan ng pampanguluhang indulto mula sa kasalukuyang Presidente na si Manuel Roxas. Sa pagdinig sa kanyang kaso, napatunayang siya ay pinilit at tinakot ng mga Hapones na pagpatay sa buo niyang Pamilya kaya niya nagawa ang mga bagay na kontra sa mga Amerikano at siya ay napawalang sala.
References:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento