Biyernes, Disyembre 16, 2011

Saan?Ano? ang plano ko ngayong Pasko

Sarap ng pakiramdam ng isang mahaba-habang bakasyon. Pero masarap ba kung wala kang pera? Yung tipong nakatengga ka lamanag sa bahay at magdamag na nakatambay?

Pero ganun pa man may mga plano pa rin akong nakahanda ngayong pasko.
Pangkalimitan dito lang ako sa loob ng subdivision, kasama ang mga tropa. Sa bahay nila kame madalas nagcecelebrate ng Bisperas at Pasko.

Suwerte kapag nagkapera pero siyempre iniintindi ko naman na mahirap ang tatlong kolehiyo sa pamilya na sabay - sabay nag-aaral kaya gipit ang budget sa pamilya.

Dameng masarap gawin ngayong Pasko, ahhmm.. Anu nga ba?

Sumama sa tropa, maggala, magbasketball, mag-mall, magdota :D

Isama pa natin ung kaliwa't kanan na Christmas Party, sa YFC, sa IMUS, pati party sa subdivision.

Napakasuwerte kasi maari mong gawin ang lahat ng naiisip mo kasi NO WORRIES ika nga.

Maliban na lang habang sinusulat ang blog na to, nageenjoy ako kasi walang quizzes,homeworks at mga ETC. sa eskuwelahan.

Lupet kasi parang nakagawian na every saturday ay magboblog.
Dadaan ang Pasko at bagong Taon tapos pasukan na naman. Ni bago magbakasyon hindi ko naisip ang mga pupuntahan ko, pero mas maganda kasi kapag on-the-spot dbah?

Tulad ng bigla kang niyaya ng tropa pumunta sa Christmas Party nila sa Makati, biglang may hang-out ang magbebestfriend, biglang naisipang dumayo ng mga taong hapit sa basketball, may pumunta sa bahay at niyaya kang dumayo para magdota at baka sakaling magkapera panggala.

Pero ang most important part ng aking on-the-spot na plano ay makasama ang family.
Promise, tuwing Pasko lang ata kame sabay-sabay kumakaen sa mesa :D

Kaw ba naman ay mag ateng nagdodorm sa manila, may bunso na madaling araw na kung umuwi at may pamangkin na BUDOY. Hanep!

Tyaka mas Okay na sa bahay, kasi biglang nagsisilabasan ang mga nakatagong mga pagkain :D yung tipong napakasarap na parang pag Pasko mo lamanag talga matitikman

Pero kung ako ay biglang uulanan ng pera, eto yung mga plano kong puntahan.

Simbahan ng DasmariƱas


Let's thank GOD first para sa lahat ng blessings niya sa buong taon na nagdaan.
Marketmall DasmariƱas


Lakad lakad ng onti paglabas ng Windward at makakatambay at kaen ka na sa Marketmall Dasma.


Siyempre kapag nabitin diyan sa mga pupuntahana na iyan ay magkakayayaan naman papuntang SM DASMA



Tinatawag din namen yan Bahay Palamigan, kasi pangkalimitan kapag wala kang pera at buwisit na buwisit ka na sa init ng panahon, diyan ka pupunta pero ngayong Pasko, crowded diyan kaya siguro mag momovie trip na lang kame :D

Tapos pag yung tipong pagabi na alam na ang gagawin,

Dahil kame yung mga tipong namiss ang buhay ng isang bata. Maglalaro kame ng bang-SUCK at kapag napagtripan ka eh babatuhan ka ng piccolo para lumabas ka sa pinagtataguan mo.

Siyempre ang ending nito ay uwi uwi sa kani kanilang bahay at magkikita kita sa madaling araw para sa FINALE:

Ang magkikita - kita para sa isang mahaba habang kuwentuhan ng SUMMARY sa buong taon.
Yung tipong may top 10 funniest act, top 10 worst scenario at kung anu - ano pa.
Yan madalas ang ginagawa tuwing PASKO, ang plano ko na hindi nagbabago.


200910690
Edil O. Solis






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento