Actually
wala pa din akong maisip na title ng thesis pero may idea na ako na naiisip para
sa thesis. Ang una kong gusto sanang ithesis
ung pang check ng condition ng ICU patient sa ospital, may wireless na pulseoxymeter
na nakakabit sa patient tapos magsesend ng data sa computer, bale imomonitor
niya lng ung heart rate ng patient tapos check niya ung average pulse rate. If
ever na biglang magdrop o biglang tumaas ung heart rate ng patient magaalarm
ung server tapos may mga algorithm sa life support na suggested na iapply sa
patient para maging stable ulit ung patient. Sa tingin ko mas mapapadali ung
isang doctor or nurse na mastable ung patient kung paprepredict kagad ung
condition ng patient, hindi kung kelan asystole na ung patient tsaka palang magaapply
ng mga life support. Parang masmapapadali lang ng pagmomonitor ng mga patient
sa ICU, mas kaya na nilang maghandle ng madaming patient sa isang ICU tska may
mga ospital na magbebenefit nito kasi may mga ospital na may ICU pero hindi
naman masyadong organized ung paghahandle ng patient. Niisip ko lang na ganyan
ung ithesis pero hindi ako sigurado kung possible, magrerefer muna ako sa mga
nasa medical field kung pwede kayang iapply ung naiisip ko. Isa ko pang idea is
isang disaster simulation ng lugar kung puwede ba tayuan ng mga structures ung
lugar o hindi. Parang magrurun ito ng several natural disaster na puwedeng mag
occur sa location. Para hindi magkaroon ng failure ung magcoconstruct ng kahit
anung facilities, bale machecheck lang kung safe ung mga titira doon o kung
hanggang saan lang puwede mag lagay ng bahay o building. Pero mukang hindi naming
kakayanin yun. Masyadong madaming kailangan baka hindi namain matapos ng isang
taon yun tska nakakita na ako ng ganoon sa natgeo last week. Hahahaha! Meron na
palang exsisting na ganoon. pangatlo sa mga naiisip ko na puwedeng ithesis ay yung
os ng isang voice activated car assistant, na kayang mag check ng status ng
engine and tires, gps, radio, at kayang kayang magassist ng parking kasi may
camera ung paligid ng kotse, tska kayang magsupport ng troubleshoot para pag
nasiraan alam kung ano ang sira o pwedeng gawin. tapos puwede mag connect sa sa
smart phone para puwedeng makausap ung tumatawag habang nagdadrive. Parang ang
hirap lang kasi voice puwedeng voice activated tska parang nakakadistruct kapag
nagdadrive kang magisa tapos gabi
biglang magsasalita hahahahaha! Isa pa mahirap ata gumawa ng voice activated na
thesis expirence na ata kailangan dun. Kung games naman dapat may magbebenefit nung
game kung sino ang target na user o costumer, parang ang hirap naman gumawa ng
unique na game na kayang makipagcompete sa ibang laro pero dapat kayanin dalawa
naman kami sabi ng two heads are better than one. At sa huli hindi lang naman ako
ang magdedecide kung ano ung ithesis naming. Dapat magkasundo kami ng kagrupo
ko para walang away walang sisihan at matapos naming ung mga dapat gawin pero
bago ang lahat ng yan dapat magisip na kami ng topic namin at para makagawa nang
title sa thesis.
MPEREZ
200811826