Linggo, Enero 1, 2012

Canon Vs. Nikon








Canon at Nikon mga brand ng camera na matagal ng nagkukumpetensya mas naunang naitatag ang Nikon pero mas maliit na kumpanya ito. Sa pananaw ko ang mga produkto ng dalawang kumpanyang ito ay maganda at may parehong positibong feedback ang mga unit nila, kung imahe ang paguusapan parhas lang sila na nagbibigay ng magandang resulta ng imahe. Pero hindi sa lahat ng bagay parehas ang dalawang brand ng cameras.

Kung ako ang tatanungi parehas silang maganda kasi hindi naman ako masyadong mapili pagdating sa mga camera weak side ko to pero susubukan kong alamin kung ano sa dalawa ang mas magandang bilin lalo na kung newbie palang.

Mas maganda daw ang low-light performance ng Nikon kaysa sa canon. Ang low-light performance ung nag bibibgay ng malinaw at magandang pictures kahit konti lang ang exposure sa ilaw kasi masmalinaw at mas nabibigyan ng magandang kulay kapag maliwanag. Ang Nikon ay may magandang Flash option para sa pagcontrol ng flash. Maedyo malaki daw ang crop sensorng DSLR ng Nikon. Sa DSLR masmaganda ang video performance ng canon kaysa sa Nikon mas madami kasing frame rates tska masmagandang codecs at mas madami ang pixel counts ng canon nagagamit lang naman ito sa pagcrop. Isa pa na ok sa canon ay ang murang presyo nito dahil mahal din ang mga lenses pati cameras ng Nikon. Sa tingin ko kaya mahal ang Nikon kasi cameras lang marahil sila naka focus ngayon di tulad ng canon may iba pang products tulad ng printer. Hahahaha napansin ko lang to, ang mga lens ng canon may color white anu un trademark o pauso lang? tska hidi pala fit ang lens eng Nikon sa canon akala ko kasi pwede kunwari yung camera mo canon tapos maganda ung lens eng Nikon o kahit anong brand yun ung gagamitin para maganda ung output ng pictures.

Anung camera ang swak pang newbie dipende kung magfofocus ka sa DSLR video o portraits ang camerang nababagay sayo ay Canon, kung landscape, candids o flash photography ang camera na mas swak sayo ay Nikon.
Kung ako ang pipili wala baka kasi may mas maganda pang brand kaysa sa dalawang ito. Pero kung itong dalawang brand na to ang nagbebenta ng camera sa buong mundo ang pipiliin ko ay ung Nikon kasi parang mas trip ko kumuha ng mga landscape pictures, mas gusto ko ung naka emphasize ung scenery para sakin kasi portraits are more sa human figure o naka focus lang sa isang bagay. Tska ung low-light performance ng Nikon kasi maganda ung color at maliwanag ung pictures kahit hindi masyadong maliwanag o madilim ung lugar. Hindi ko rin sinasabi na kung ano ang masmahal yun ung bibilhin, ang point ko dito ay hindi dahilan ang presyo sa pag bili ng camera or any gadget. Ung bang binili mo kasi mas magagamit mo tsaka mas fit sayo ung binili mong gadget.



Sa huli desisyon mo pa rin kung ano ang pipiliin mo sa dalawang brands, sinabi ko lang kung ano ang opinion ko at mas swak sa dalawa para sakin, pero hindi ko sinasabi na pangit ang canon kung tutuusin ay halos pantay lang ang grade ko sa dalawang ito. Pati sa mga gumagamit nito halos pareho lang ang dami.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento