Sabado, Enero 28, 2012

Thesis title


Actually wala pa din akong maisip na title ng thesis pero may idea na ako na naiisip para sa thesis. Ang una kong gusto sanang  ithesis ung pang check ng condition ng ICU patient sa ospital, may wireless na pulseoxymeter na nakakabit sa patient tapos magsesend ng data sa computer, bale imomonitor niya lng ung heart rate ng patient tapos check niya ung average pulse rate. If ever na biglang magdrop o biglang tumaas ung heart rate ng patient magaalarm ung server tapos may mga algorithm sa life support na suggested na iapply sa patient para maging stable ulit ung patient. Sa tingin ko mas mapapadali ung isang doctor or nurse na mastable ung patient kung paprepredict kagad ung condition ng patient, hindi kung kelan asystole na ung patient tsaka palang magaapply ng mga life support. Parang masmapapadali lang ng pagmomonitor ng mga patient sa ICU, mas kaya na nilang maghandle ng madaming patient sa isang ICU tska may mga ospital na magbebenefit nito kasi may mga ospital na may ICU pero hindi naman masyadong organized ung paghahandle ng patient. Niisip ko lang na ganyan ung ithesis pero hindi ako sigurado kung possible, magrerefer muna ako sa mga nasa medical field kung pwede kayang iapply ung naiisip ko. Isa ko pang idea is isang disaster simulation ng lugar kung puwede ba tayuan ng mga structures ung lugar o hindi. Parang magrurun ito ng several natural disaster na puwedeng mag occur sa location. Para hindi magkaroon ng failure ung magcoconstruct ng kahit anung facilities, bale machecheck lang kung safe ung mga titira doon o kung hanggang saan lang puwede mag lagay ng bahay o building. Pero mukang hindi naming kakayanin yun. Masyadong madaming kailangan baka hindi namain matapos ng isang taon yun tska nakakita na ako ng ganoon sa natgeo last week. Hahahaha! Meron na palang exsisting na ganoon. pangatlo sa mga naiisip ko na puwedeng ithesis ay yung os ng isang voice activated car assistant, na kayang mag check ng status ng engine and tires, gps, radio, at kayang kayang magassist ng parking kasi may camera ung paligid ng kotse, tska kayang magsupport ng troubleshoot para pag nasiraan alam kung ano ang sira o pwedeng gawin. tapos puwede mag connect sa sa smart phone para puwedeng makausap ung tumatawag habang nagdadrive. Parang ang hirap lang kasi voice puwedeng voice activated tska parang nakakadistruct kapag nagdadrive kang magisa  tapos gabi biglang magsasalita hahahahaha! Isa pa mahirap ata gumawa ng voice activated na thesis expirence na ata kailangan dun. Kung games naman dapat may magbebenefit nung game kung sino ang target na user o costumer, parang ang hirap naman gumawa ng unique na game na kayang makipagcompete sa ibang laro pero dapat kayanin dalawa naman kami sabi ng two heads are better than one. At sa huli hindi lang naman ako ang magdedecide kung ano ung ithesis naming. Dapat magkasundo kami ng kagrupo ko para walang away walang sisihan at matapos naming ung mga dapat gawin pero bago ang lahat ng yan dapat magisip na kami ng topic namin at para makagawa nang title sa thesis.
MPEREZ
200811826

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento